Wednesday, March 4, 2015

Bakit karamihan ng Ilocano ay ayaw ang mga Bisaya (POV)

Oo nga nu? bakit kaya , na curious lang ako sa aking nabasa ko habang ako ay nagbro-browse sa net. Nabasa ko sa yahoo answer, " why does Ilocanos hate Visayans?". Bilang isang Ilocano na may dugong Bisaya (Cebuano), napapansin ko din yan mula noong ako'y bata pa.  Akala ko, sadyang matapobre lang o racist lang talaga ang paternal side ko (sila ang mga ilocano) sa mga taga south. Yung pala. kahit sa iba, napapansin lang nila ang mga ito.

sa aking pananaw, ito marahil ang pina common na mga dahilan kung bakit ang mga bisaya at mga ilocano ay hindi magkasundo.

1. Ang mga Bisaya ay hindi gumagamit ng "po" at"opo" tanda ng kanilang paggalang sa kanilang kinakausap
- tulad ng sabi ng aking lola, sa kanilang mga Bisaya daw, sapat na ang tawagin mo ang kausap mo sa kanyang pangalan upang ihayag ang iyong paggalang sa kanya kung siya'y iyong kinakausap.Kung hindi ka Bisaya o kung wala kang idea tungkol dito, iisipin mo siguro na mga, "walang modo" sila.

2. Ang mga Bisaya ay palaban at ang mga Ilocano ay palaban din.
- Siyempre kung parehong matapang, kung nag away yan, walang papatalo diyan. Kung babalikan natin ang ating kasaysayan, makikita natin ang mga katapangan ng parehong lahi, ang iba't ibang pag aaklas na naganap sa bawat lugar nakanilang kinabibilangan. Kaya alam din natin na kung mag away man sila, malaman sa madugo din to.

3. Stereotype #1:  "aswang" at "magkukulam" ang mga Bisaya.
- Heto ang nakakatawang isipin. Ang Ilocano ay mahilig sa pagkaing hilaw o di kaya mlamang-loob in short, exotic tulad ng sinanglaw, pinapaitan, igado, dinakdakan, kilawen, etc., tapos karamihan ng Bisaya ay ayaw yung mga ganoong luto. Pero ang siste, "aswang" daw ang mga Bisaya, dahil ba nandun sa kabisayaan ang Capiz? Simula nung ako'y bata pa, madalas akong makarining ng mga tsimis doon sa amin na may gumagalang aswang pag gabi o di kaya may nakulam daw, tapos madalas, kung sino yung mga Bisaya, sila ang madalas pagsuspetsahan (kasi nga daw Bisaya sila).

4. Stereotype #2 karamihan ng mga Commercial Sex Workers or waitress sa mga beerhouse sa Luzon ay mga Bisaya.
- Dito na siguro papasok ang pagiging matapobre at pagiging racist. Hindi lang to para sa mga Bisaya kundi sa mga iba pang taga probinsya na madalas mamasukan sa mga ganitong trabaho. Straight to the point, sa kadahilanang sa mga ganitong lugar sila madalas makita, iisipin mong malalandi sila, malilibog  at mahilig kumabit sa may asawa para lang magkapera. Ipapasok ko na din po dito ang isa pang stereotype, "gold digger", "social climber".

5. Karamihan ng Ilocano ay mga "lactose intolerant"
- Ang mga Taga South , tulad ng mga Bisaya, ay mahilig din sa mga magagatang pagkain. Karamihan sa mga Ilocano, nagtatae pag nakakain ng may gata :)

6. Based on "kaknya kanyang experience".
- Lastly, nasa tao yan kung bakit siya nagiging racist. Either mayroon siyang bad experience. Unawain nalang natin.





No comments:

Post a Comment